Tula ng Buhay (7/9/14): “Ningas ng Pananabik”

Ningas ng Pananabik

tula ni Stanley Castro


_68187683_hands_across_the_divide624x351

O Irog, naaalala ka,
Naaalala ka’t naluluha!
Wangis mo saan ma’y kita!
Sa piling mo ako’y alila.

Hanap-hanap ka sa tuwina,
Tuwina sa puso’y sinasama.
Sinasama sa panalangin at sinasamo,
Sinasamong ika’y makapiling magpakailanman!

Kahit na sila’y ikaw ay tinataboy,
Kahit diri man kanilang nadarama…
Ikaw ay ipaglalaban, langit man o impyerno!
Ulap at apoy hahamakin para sa’yo!

Puso’y naninibugho sa kasabikan,
Kasabikang ika’y mahagka’t makita!
Kahit na tayo’y pintas ng kalikasan,
Kahit na kalamigan sa puso nila’y nananaig.

Ikaw at tanging ikaw,
Sa’yo at tanging sa’yo.
Aking panunumpa,
Aking buong buhay na i-aalay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s