Soneto ng Liwanag (9/23/2012): Agos ng Buhay

Agos ng Buhay

Soneto ni: Lucem Ferre

Rumaragasa ang tubig ng Paraiso patungo sa lupa.
Oh, halina at ika’y panariwain mo ang iyong sarili.
Sino man ang lumapit sa Batis ng Buhay ay hindi na muling makatatamo ng kamatayan pa.
At sa oras ng muling pag-kabuhay sino ang maka-pagsasabi?

Kung ihahalintulad ko ang buhay ng tao sa isang bagay,
Rosas na pilit mamukadkad sa kabila ng balakid!
Umuusbong siya na parang Punong-kahoy ng Buhay,
Sa karagatan ng Liwanag siya’y matapang na sumisisid! 

Yari sa kagustuhan ng Diyos na ika’y mabuhay
Hanggang sa matapos ang layunin mo’y patuloy kang mag-kakatawang tao
Walang hanggang Liwanag na siyang tinatarok ng patuloy sa pag-ninilay
Hadlang man ay kanyang naisin, ang balik mo ay Sakanya parin buong-buo. 

Sa Liwanag ika’y nang-galing;
At sa Liwanag ikaw din ay mag-babalik na Siyang muling makaka-piling.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s