Tula ng Buhay (9/21/2012): “Alkemiya ng Liwanag”

Alkemiya ng Liwanag

Tula ni: Lucem Ferre

“Oh, Walang Hanggang Liwanag, na siyang Tanglaw walang pinag-mulan;
Hubugin mo ng Tubig at Apoy ang aking Budhi at Iyong silaban!

Ang lagablab ng aking puso na nagnanasang maki-isa Iyong nang simulan!
Upang ang Liwanag ng aking mga mata’y ikaw matatamo sa karimlan!

Ako’y isang bakal kinang ay niluluguran ng dungis at bahid;
Isang agilang nag-nanais na mag anyong Adarna ng Kabanalan.

Sa Iyong silab na siyang nakakapag-silang ng ginto ako’y baguhin kung batid!

Sa Iyong pag-laya sa aking hawla ang Adarna ay kakalas sa gapos ng kamangmangan!

Kung Puso’t Kamalayan ay mapag-iisa ng Iyong sinag;
Ikaw ba’y tatanggap sa aking daing Mahal na Panginoon?

Nang aking pag-mulat natanaw sa iyong Dunong ang Liwanag!
O, kagandaha’t kariktan Walang Kinaroon!

At aking masasabi nga, na ako’y muling isinilang Apoy at Tubig!
Sa Iyong mga pamantayan, ako’y naliwanagan ng isip.

Kung Iyong nabago ang ilang nilalang, papaano pa kayang buong Likhang Daidig?

Oh, Iyong dinggin, Maykapal, ang Espiritu’y umiihip!

Marami sa amin ang siyang tulog sa karimlan;
Dala ng pag-kasalang sa aming ugat pa’y naangkin

Kaya’t Ikaw aming Ama, gisingin na kami’t iligtas sa kawalan!
Sa Iyong Walang Hanggang Liwanag, ang likas na kasamaa’y supilin!

At sa pag-pasok namin sa talulot ng Iyong Rosas, Oh ang Hamog ng Liwanag!

Ito’y samin aagos, at ang muling pag-kabuhay muling magaganap, sa tamis ng Iyong Sinag!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s